Friday, February 20, 2009

pag ibig mula sa awa

i met my husband in grade school.

ang una kong memory of him ay sya ung pinakamakulit na bata sa room namin.
grade 1 sya grade 2 ako pero isang classroom
i remember disliking him so much dahil he was a brat being the only child.
he was adopted as a baby kaya he didnt know about that then.
nung highschool kami we started hanging out together dahil ung gf nya classmate ko
at ung bf ko tropa nya.

sa kasamaang palad, naghiwalay kami ng bf ko at sila naman ng gf nya almost at the same time
so we became closer to each other seeking comfort.
sabi nya na inlove na daw sya sa akin dahil matalino daw ako at nakikita nya ang
sarili nya na ako na ang mapapangasawa nya.
pero ako sa malayo pa rin nakatingin, nagkaroon pa ako ng maraming relasyon after nung first bf ko..

puro rebound relationship dahil parang gusto kong ipakita sa ex ko na i can find better men than him.

late ko na narealize na niloloko ko lang sarili ko sa pag aakalang babalikan ako ng ex ko.
i didnt the man who was waiting in the sideline seeking my attention.
so sa madaling salita sinagot ko sya out of awa. ilang beses akong pilit na kumakawala sa relationship namin

pero ayaw nyang pumayag.

dahil ulit sa awa hindi ko magawang iwan sya.
nang umabot sa ika 4 years ng relationship, nagbuntis ako.
my parents took the news well. mejo may konting dismaya pero they were very supportive and accepted me right on.

pero iba ang reaction ng parents in law ko.

they sent me text messages to let me know na wala akong puwang sa buhay nila.
masasakit na salita kesyo ako ang malandi at sinira ko ang buhay ng anak nila na nag aaral ng maayos.

ang pinakamasakit na ginawa nila ay nung pinalayas nila ako sa bahay nila isang araw habang dinadalaw ko ang bf ko.

7 months na akong buntis noon nang ipagtabuyan ako ng tatay ng bf ko.
gabi na noon mga 7 ng gabi at wala akong mapuntahan. 3 oras pa byahe ng bus pauwi sa amin. pero dahil gabi na wala na akong masasakyan pauwi sa amin.

mabuti at may natira akong pera sa bulsa ko. tumuloy ako sa isang lodge.
hindi alam ng asawa ko ang mga pangyayari na yun. nung nalaman nya na wala na ako sa bahay nila, hinanap nya ako sa buong city. mabuti na lang may isa kaming kaibigan na nakakita sa pag pasok ko sa lodging house.

doon nya ako natagpuan sa room na tinuluyan ko punong puno ng dugo at walang malay. sa sama ng loob ko umiyak ako ng umiyak at nag bleeding ako.

kung di sya dumating on time, malamang wala na ang anak namin sa ngayon.
tuluyan nya nang tinalikuran ang mga magulang nya kapalit sa amin ng anak nya.
masakit ung desisyon na yun at ayaw ko sanang mamili sya pero wala na kaming choice.
sa paglipas ng panahon pinalad akong makapunta sa canada at magtrabaho.
naiwan ang bf ko sa pinas pero naisama ko ang anak ko dahil nasa canada din ang buong pamilya ko.

after one year binalikan ko sya para pakasalan.
ngayon mag asawa na kami.

ang nanay nya unti unti natanggap na rin ang aming pagsasama. sayang nga lang at namatay ang father in law ko na hindi man lang kami nagkakaayos.
akala ko tapos na ang unos sa buhay namin.
pinitetion ko ang asawa ko pumnta dito sa canada para mabuo na ang pamilya namin ng tuluyan.

pero nadeny ang visa nya sa canadian embassy sa manila.
isang malaking kalungkutan na naman ang bumalot sa amin dahil kasabay ng denial ng visa nya ay ang desisyon ng emabassy na i ban sya sa pagpasok ng canada.
sa ngayon pinag iisipan ko na umuwi na lang sa pinas para makasama ang asawa ko.
sana tapos na ang unos.

sana maging happy ending na rin kami
sana maawa ang langit at bigyan na kami ng kaligayahan.

- anonymous

Saturday, February 14, 2009

Paano na kaya?

Paano na kaya?


Ako nga pala si Bugoy, 20 years old, at heto ang kwento ng buhay pag-ibig ko...

High School, isang yugto sa ating buhay na siguro, marami sa atin ay hindi ito makakalimutan..
Di natin makakalimutan ang kabanatang ito ng ating buhay dahil sa dami ng nangyari dito..
At siyempre, sa akin, di ko makakalimutan 'to dahil dito ko nakilala ang mga babae na nagpa-ikot ng mundo ko..

Dito ko nakilala sina Cristina at Alice..

Si Cristina ang una kong nakilala.. Masasabi ko na sikat siya sa aming paaralan.. Madaming nakakakilala sa kanya, kumbaga isa siyang superstar, A-list, basta sikat.. Maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya at isa ako sa mga yun..

Sa sobrang pagkandarapa, inabot na ako ng halos isang taon sa panliligaw sa kanya.. Siguro masasabi ko na matagal yung panliligaw ko dahil sa loob ng isang taon na yun, may mga kasabay din ako manligaw kay Cristina at lahat sila ay sumuko..

Oh di ba? San ka pa?

Siguro dahil sa tagal na yun, naisipan ko na din na tumigil, kaya ang ginawa ko, nagdahan-dahan lang muna ako, lilow kumbaga.. At
habang nasa lilow na stage ako, nakilala ko si Alice..

Si Alice, mas bata siya sa akin, at masasabi ko na isa siya sa mga ordinaryong tao sa paaralan namin. Di siya active sa mga extra-curricular activities.. Kumbaga, nandun lang siya sa crowd.. Nakilala ko si Alice sa party nung isa kong kaibigan..

Sinabi ko dun sa kaibigan ko, "Ang ganda naman nun, pwede ko ba malaman yung number nun?". At siyempre, bilang kaibigan, binigay naman nya yung number ni Alice.. Siguro masasabi ko na tinamaan talaga ako kay Alice, grabe ang ganda nya talaga.. Sa sobrang ganda nya, di ko nga siya nakausap nung sa party, di tulad nung iba kong kaibigan na nakausap siya sa party.. Ewan ko ba, siguro natotorpe lang talaga ako nung mga panahon na yun.. Pero kahit na, at least nasa akin pa din yung number nya..

Oh di ba? San ka pa?

So after nung party, tinext ko kaagad si Alice.. At dun na nagsimula yung pag-tetext namin.. Di ko inaasahan na ieentertain nya ako.. Kahit na hindi kami nakapag-usap ng party.. Sobrang bait talaga ni Alice sa akin.. Buong araw, buong gabi kami magka-text.. Pag kakain at pag matutulog lang siguro ang pahinga naman..

Kasi kahit nasa klase ako, magka-text pa din kami.. Basta masaya pag magka-text kami.. Ang sweet pa nga namin pag magka-text.. Kumbaga, parang girlfriend ko na siya pero wala yung title na "girlfriend".. Kasi isipin nyo, magkakatext kami sa umaga, magsasabihan ng "good morning!" "magbreakfast ka na!" "see you later sa school!" "ingat pag-pasok!" at kung anu-ano pa.. Tapos pag nasa klase naman, "ang boring nung teacher namin..", "sana kasama kita sa klase ngayon..", "magkikita ba tayo mamayang recess?", tapos madami pa yan.. Kahit sa hapon at gabi, ganun din..

Text, text, at text pa ulit..

For 2 weeks, ganun kami ni Alice.. Hanggang sa dumating yung time na sinabi nya sa akin na mahal nya na ako.. OMG?!?! Ang bilis ah.. 2 weeks pa lang tayo magkakilala, pero mahal mo na agad ako? Oo aaminin ko, crush ko si Alice, at siguro papunta din ako sa stage na mamahalin ko siya, pero ang bilis ng mga pangyayari.. Mas mabilis pa sa kidlat yung nangyari..

Pinag-usapan namin ni Alice yung tungkol sa bagay na 'to..

Dismissal na nung mga oras na yun, at pinuntahan ko si Alice sa classroom nila.. Pinag-usapan namin yung tungkol sa amin, at ang naging desisyon ko "sige subukan natin".. At nung mga oras na yun, naging officially na "kami", pero di pa ako nakakapag-sabi kay Cristina, nasa lilow stage pa lang ako nun, di ko pa nasasabihan yung mga tao sa paligid ko, lalo na ang pamilya ko.. Pero sige, ituloy na natin 'to..

After a week, fiesta kina Alice, at siyempre, ininvite nya ako.. Pumunta ako sa kanila, actually naligaw pa ako.. Haha.. Di ko kasi kabisado yung papunta sa kanila.. Doon nakilala ko yung family nya.. Yung parents nya at yung mga kapatid nya.. Si Alice yung eldest sa family nila kaya mga bata pa yung kapatid nya.. Noong dumating ako sa kanila, nag-aalaga siya nung mga kapatid nya.. So ayun, pati ako nag-alaga ng bata..

Pero ok lang, masaya naman.. Magkasama kami na nag-aalaga ng bata.. Hehe.. At yung mother nya, talagang tuwang-tuwa siya sa amin ni Alice.. So after nung pag-aalaga at pagkain ng mga handa nila sa fiesta, umalis muna kami ni Alice para magkaroon naman kami ng time.. Pumunta kami dun sa perya malapit sa kanila.. Madami din kami ginawa dun, naglaro kami dun sa mga laro dun, lalo na yung tinatawag nila na "color game".. Tapos sumakay din kami dun sa rides na nandun.. Overall, masaya talaga yung day na yun..

At yun na yung first and last na happy moment namin ni Alice..

Nung mga sumunod na araw, naguluhan na ako.. Kasi basta ko na lang binitawan si Cristina, tapos yung mga tao sa paligid ko, nagtatanong kung anong nangyari sa amin ni Cristina, bakit parang tumigil daw ako, at kung anu-ano pang mga tanong na naglead sa pagtigil ko sa pagtetext ko kay Alice..

Dahil sa mga nangyari, naguluhan din si Alice, hanggang sa sinabi nya na di nya na kaya yung di ko siya tinetext at pinapansin sa school, kaya nakipaghiwalay siya.. Di rin siya pumasok ng ilang araw, at naguiguilty ako sa ginawa ko.. Tinext din ako ng mother ni Alice, dismayado siya sa akin at di ko naman siya masisisi.. Mali talaga yung ginawa ko.. After that, nagpalit siya ng number, nawalan na kami ng communication ni Alice..

As in totally na nawala..

After nung mga nangyari sa amin ni Alice, nagka-usap kami ni Cristina.. Pero di ko na binanggit sa kanya yung sa amin ni Alice.. At di naglaon, after a long long long time, sinagot din ako ni Cristina.. Wow after all this time, sinagot din nya ako.. Actually, ok lang din sa akin kahit di nya na ako sinagot.. Ang tagal na din eh.. Kumbaga sa library, over due na siya.. So ayun, naging ok din naman kami ni Cristina.. Then eventually, naghiwalay din kami.. Kasi parang wala na din yung spark dun sa relation namin ni Cristina.. Pero naging magkaibigan pa din kami ni Cristina.. Nanghihinayang lang ako kasi hindi kami naging magkaibigan ni Alice.. Sayang talaga..

4 years after nung break-up namin ni Alice, sa di inaasahang pagkakataon, nagkita ulit kami ni Alice.. Nakita ko siya sa isang prusisyon, holy week yun.. Nagkatitigan kaming dalawa, at hanggang dun lang.. Di kami nakapag-usap kasi kasama ako dun sa prusisyon, at nanunuod siya kasama yung family nya.. Siguro di na ulit mauulit yung chance na yun.. Yung magkikita ulit kami.. Kung mangyayari man yun, siguro after 4 years pa ulit or mas matagal pa.. Pero sana makausap ko ulit siya, para atleast, kung di man maging kami ulit, maging magkaibigan kami.. Kasi tingin ko naman, okay lang na maging magkaibigan kami..


-Bugoy-