i met my husband in grade school.
ang una kong memory of him ay sya ung pinakamakulit na bata sa room namin.
grade 1 sya grade 2 ako pero isang classroom
i remember disliking him so much dahil he was a brat being the only child.
he was adopted as a baby kaya he didnt know about that then.
nung highschool kami we started hanging out together dahil ung gf nya classmate ko
at ung bf ko tropa nya.
sa kasamaang palad, naghiwalay kami ng bf ko at sila naman ng gf nya almost at the same time
so we became closer to each other seeking comfort.
sabi nya na inlove na daw sya sa akin dahil matalino daw ako at nakikita nya ang
sarili nya na ako na ang mapapangasawa nya.
pero ako sa malayo pa rin nakatingin, nagkaroon pa ako ng maraming relasyon after nung first bf ko..
puro rebound relationship dahil parang gusto kong ipakita sa ex ko na i can find better men than him.
late ko na narealize na niloloko ko lang sarili ko sa pag aakalang babalikan ako ng ex ko.
i didnt the man who was waiting in the sideline seeking my attention.
so sa madaling salita sinagot ko sya out of awa. ilang beses akong pilit na kumakawala sa relationship namin
pero ayaw nyang pumayag.
dahil ulit sa awa hindi ko magawang iwan sya.
nang umabot sa ika 4 years ng relationship, nagbuntis ako.
my parents took the news well. mejo may konting dismaya pero they were very supportive and accepted me right on.
pero iba ang reaction ng parents in law ko.
they sent me text messages to let me know na wala akong puwang sa buhay nila.
masasakit na salita kesyo ako ang malandi at sinira ko ang buhay ng anak nila na nag aaral ng maayos.
ang pinakamasakit na ginawa nila ay nung pinalayas nila ako sa bahay nila isang araw habang dinadalaw ko ang bf ko.
7 months na akong buntis noon nang ipagtabuyan ako ng tatay ng bf ko.
gabi na noon mga 7 ng gabi at wala akong mapuntahan. 3 oras pa byahe ng bus pauwi sa amin. pero dahil gabi na wala na akong masasakyan pauwi sa amin.
mabuti at may natira akong pera sa bulsa ko. tumuloy ako sa isang lodge.
hindi alam ng asawa ko ang mga pangyayari na yun. nung nalaman nya na wala na ako sa bahay nila, hinanap nya ako sa buong city. mabuti na lang may isa kaming kaibigan na nakakita sa pag pasok ko sa lodging house.
doon nya ako natagpuan sa room na tinuluyan ko punong puno ng dugo at walang malay. sa sama ng loob ko umiyak ako ng umiyak at nag bleeding ako.
kung di sya dumating on time, malamang wala na ang anak namin sa ngayon.
tuluyan nya nang tinalikuran ang mga magulang nya kapalit sa amin ng anak nya.
masakit ung desisyon na yun at ayaw ko sanang mamili sya pero wala na kaming choice.
sa paglipas ng panahon pinalad akong makapunta sa canada at magtrabaho.
naiwan ang bf ko sa pinas pero naisama ko ang anak ko dahil nasa canada din ang buong pamilya ko.
after one year binalikan ko sya para pakasalan.
ngayon mag asawa na kami.
ang nanay nya unti unti natanggap na rin ang aming pagsasama. sayang nga lang at namatay ang father in law ko na hindi man lang kami nagkakaayos.
akala ko tapos na ang unos sa buhay namin.
pinitetion ko ang asawa ko pumnta dito sa canada para mabuo na ang pamilya namin ng tuluyan.
pero nadeny ang visa nya sa canadian embassy sa manila.
isang malaking kalungkutan na naman ang bumalot sa amin dahil kasabay ng denial ng visa nya ay ang desisyon ng emabassy na i ban sya sa pagpasok ng canada.
sa ngayon pinag iisipan ko na umuwi na lang sa pinas para makasama ang asawa ko.
sana tapos na ang unos.
sana maging happy ending na rin kami
sana maawa ang langit at bigyan na kami ng kaligayahan.
- anonymous
Friday, February 20, 2009
Saturday, February 14, 2009
Paano na kaya?
Paano na kaya?
Ako nga pala si Bugoy, 20 years old, at heto ang kwento ng buhay pag-ibig ko...
High School, isang yugto sa ating buhay na siguro, marami sa atin ay hindi ito makakalimutan..
Di natin makakalimutan ang kabanatang ito ng ating buhay dahil sa dami ng nangyari dito..
At siyempre, sa akin, di ko makakalimutan 'to dahil dito ko nakilala ang mga babae na nagpa-ikot ng mundo ko..
Dito ko nakilala sina Cristina at Alice..
Si Cristina ang una kong nakilala.. Masasabi ko na sikat siya sa aming paaralan.. Madaming nakakakilala sa kanya, kumbaga isa siyang superstar, A-list, basta sikat.. Maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya at isa ako sa mga yun..
Sa sobrang pagkandarapa, inabot na ako ng halos isang taon sa panliligaw sa kanya.. Siguro masasabi ko na matagal yung panliligaw ko dahil sa loob ng isang taon na yun, may mga kasabay din ako manligaw kay Cristina at lahat sila ay sumuko..
Oh di ba? San ka pa?
Siguro dahil sa tagal na yun, naisipan ko na din na tumigil, kaya ang ginawa ko, nagdahan-dahan lang muna ako, lilow kumbaga.. At
habang nasa lilow na stage ako, nakilala ko si Alice..
Si Alice, mas bata siya sa akin, at masasabi ko na isa siya sa mga ordinaryong tao sa paaralan namin. Di siya active sa mga extra-curricular activities.. Kumbaga, nandun lang siya sa crowd.. Nakilala ko si Alice sa party nung isa kong kaibigan..
Sinabi ko dun sa kaibigan ko, "Ang ganda naman nun, pwede ko ba malaman yung number nun?". At siyempre, bilang kaibigan, binigay naman nya yung number ni Alice.. Siguro masasabi ko na tinamaan talaga ako kay Alice, grabe ang ganda nya talaga.. Sa sobrang ganda nya, di ko nga siya nakausap nung sa party, di tulad nung iba kong kaibigan na nakausap siya sa party.. Ewan ko ba, siguro natotorpe lang talaga ako nung mga panahon na yun.. Pero kahit na, at least nasa akin pa din yung number nya..
Oh di ba? San ka pa?
So after nung party, tinext ko kaagad si Alice.. At dun na nagsimula yung pag-tetext namin.. Di ko inaasahan na ieentertain nya ako.. Kahit na hindi kami nakapag-usap ng party.. Sobrang bait talaga ni Alice sa akin.. Buong araw, buong gabi kami magka-text.. Pag kakain at pag matutulog lang siguro ang pahinga naman..
Kasi kahit nasa klase ako, magka-text pa din kami.. Basta masaya pag magka-text kami.. Ang sweet pa nga namin pag magka-text.. Kumbaga, parang girlfriend ko na siya pero wala yung title na "girlfriend".. Kasi isipin nyo, magkakatext kami sa umaga, magsasabihan ng "good morning!" "magbreakfast ka na!" "see you later sa school!" "ingat pag-pasok!" at kung anu-ano pa.. Tapos pag nasa klase naman, "ang boring nung teacher namin..", "sana kasama kita sa klase ngayon..", "magkikita ba tayo mamayang recess?", tapos madami pa yan.. Kahit sa hapon at gabi, ganun din..
Text, text, at text pa ulit..
For 2 weeks, ganun kami ni Alice.. Hanggang sa dumating yung time na sinabi nya sa akin na mahal nya na ako.. OMG?!?! Ang bilis ah.. 2 weeks pa lang tayo magkakilala, pero mahal mo na agad ako? Oo aaminin ko, crush ko si Alice, at siguro papunta din ako sa stage na mamahalin ko siya, pero ang bilis ng mga pangyayari.. Mas mabilis pa sa kidlat yung nangyari..
Pinag-usapan namin ni Alice yung tungkol sa bagay na 'to..
Dismissal na nung mga oras na yun, at pinuntahan ko si Alice sa classroom nila.. Pinag-usapan namin yung tungkol sa amin, at ang naging desisyon ko "sige subukan natin".. At nung mga oras na yun, naging officially na "kami", pero di pa ako nakakapag-sabi kay Cristina, nasa lilow stage pa lang ako nun, di ko pa nasasabihan yung mga tao sa paligid ko, lalo na ang pamilya ko.. Pero sige, ituloy na natin 'to..
After a week, fiesta kina Alice, at siyempre, ininvite nya ako.. Pumunta ako sa kanila, actually naligaw pa ako.. Haha.. Di ko kasi kabisado yung papunta sa kanila.. Doon nakilala ko yung family nya.. Yung parents nya at yung mga kapatid nya.. Si Alice yung eldest sa family nila kaya mga bata pa yung kapatid nya.. Noong dumating ako sa kanila, nag-aalaga siya nung mga kapatid nya.. So ayun, pati ako nag-alaga ng bata..
Pero ok lang, masaya naman.. Magkasama kami na nag-aalaga ng bata.. Hehe.. At yung mother nya, talagang tuwang-tuwa siya sa amin ni Alice.. So after nung pag-aalaga at pagkain ng mga handa nila sa fiesta, umalis muna kami ni Alice para magkaroon naman kami ng time.. Pumunta kami dun sa perya malapit sa kanila.. Madami din kami ginawa dun, naglaro kami dun sa mga laro dun, lalo na yung tinatawag nila na "color game".. Tapos sumakay din kami dun sa rides na nandun.. Overall, masaya talaga yung day na yun..
At yun na yung first and last na happy moment namin ni Alice..
Nung mga sumunod na araw, naguluhan na ako.. Kasi basta ko na lang binitawan si Cristina, tapos yung mga tao sa paligid ko, nagtatanong kung anong nangyari sa amin ni Cristina, bakit parang tumigil daw ako, at kung anu-ano pang mga tanong na naglead sa pagtigil ko sa pagtetext ko kay Alice..
Dahil sa mga nangyari, naguluhan din si Alice, hanggang sa sinabi nya na di nya na kaya yung di ko siya tinetext at pinapansin sa school, kaya nakipaghiwalay siya.. Di rin siya pumasok ng ilang araw, at naguiguilty ako sa ginawa ko.. Tinext din ako ng mother ni Alice, dismayado siya sa akin at di ko naman siya masisisi.. Mali talaga yung ginawa ko.. After that, nagpalit siya ng number, nawalan na kami ng communication ni Alice..
As in totally na nawala..
After nung mga nangyari sa amin ni Alice, nagka-usap kami ni Cristina.. Pero di ko na binanggit sa kanya yung sa amin ni Alice.. At di naglaon, after a long long long time, sinagot din ako ni Cristina.. Wow after all this time, sinagot din nya ako.. Actually, ok lang din sa akin kahit di nya na ako sinagot.. Ang tagal na din eh.. Kumbaga sa library, over due na siya.. So ayun, naging ok din naman kami ni Cristina.. Then eventually, naghiwalay din kami.. Kasi parang wala na din yung spark dun sa relation namin ni Cristina.. Pero naging magkaibigan pa din kami ni Cristina.. Nanghihinayang lang ako kasi hindi kami naging magkaibigan ni Alice.. Sayang talaga..
4 years after nung break-up namin ni Alice, sa di inaasahang pagkakataon, nagkita ulit kami ni Alice.. Nakita ko siya sa isang prusisyon, holy week yun.. Nagkatitigan kaming dalawa, at hanggang dun lang.. Di kami nakapag-usap kasi kasama ako dun sa prusisyon, at nanunuod siya kasama yung family nya.. Siguro di na ulit mauulit yung chance na yun.. Yung magkikita ulit kami.. Kung mangyayari man yun, siguro after 4 years pa ulit or mas matagal pa.. Pero sana makausap ko ulit siya, para atleast, kung di man maging kami ulit, maging magkaibigan kami.. Kasi tingin ko naman, okay lang na maging magkaibigan kami..
-Bugoy-

Wednesday, January 28, 2009
Bihira ang babae na pumapasok sa opisina namin noon
Bihira ang babae na pumapasok sa opisina namin noon.
Kadalasan, may topak pa.
O Kung hindi, laging paunahan sa panliligaw.
At oo, guilty ako sa nanguna sa panliligaw. Nakilala ko siya matagal na panahon na, umiiyak siya nun napansin ko sa opisina. Sabi niya sinisipon lang daw siya. Ako naman, ayoko nakikitang umiiyak ang isang babae. Edi pinatawa ko. Baduy man, kinwentohan ko siya ng mga pickup lines. Pero di ko alam, iyon na pala ang magiging simula ng lahat.
Madalas na kami naguusap sa opisina pagkatapos non. Kadalasa'y hinahatid ko pa pababa. May nagpaparty non sa bahay ng isang kaopisina, sumama siya, kami lang ang nagusap buong gabi. Hindi ko alam, unti unti na kong nahuhulog sa kanya kahit todo ang pagaalangan ko.
Nang pauwi na siya, hinatid ko. At dun nagsimula rin ang pagtetext namin sa isa't isa. Hanggang sa niyaya ko siya kumain sa labas. At dun na kami nagkaaminan. Siya ang naging una kong kasintahan. Unang halik, unang...alam mo na.
Naging masaya ang pagsasama namin. Puno ng dates, sabay kami lagi maglunch sa table niya or table ko, mga lambingan na napagsasabihan na kami ng boss, at alam mo na tuwing weekends. Ayun, ni hindi kami nagaaway nun. Until one night na nagaway kami ng mabigatan.
Nagkahiwalayan.
Umasa ako na babalikan pa ko dahil marami siyang mga pahiwatig sakin. Pero yun pala'y iba pala ang pakay niya. Graduating siya nun, nagpapatulong sa thesis. Nung tapos na ang lahat, saka niya lang inamin ang rason kung ba't ayaw niya kong balikan.
Nalaman ko nalang na mahal pa pala niya ang iniyakan niya noong unang araw na kaming nagkita. Ang kanyang nakaraan. Naging komplikado ang lahat hanggang sa nauwi sa isang masaklap na huling hiwalayan at solian ng kandila. Yun pala, may topak din siya. Di lang paunahan sa panliligaw.
Masakit mang tanggapin na ginamit lang ako at panakip butas man. Pero masasabi ko, mas matibay na ko ngayon. Ok lang yan. May daraan pang iba.
Yun nga lang, sa ngayon, mahal ko parin siya. Dumaan na nga si iba, natakot ako na baka saktan ko lang. Ngayon, masaya na si iba sa iba. Masaya rin ako para sa kanya. Naging matalik kaming magkaibigan. Pero mas masaya akong maging matalik na kaibigan niya kesa sa maging kasintahan. At ganun din naman siya.
Tatlong araw kong niligawan, tatlong taon ko ba itong pagdudusahan? Baka swerte ako sa number 3.
-David Blaine

Monday, January 26, 2009
Ang Ikalawang Yugto
Taliwas sa Akala pero hindi Mali
...isang mahabang serye...
Nakilala ko ng mabuti ang kaibigan ng aking pinsan noong nakilala ko ang kras ko sa kolehiyo.
Ngunit itong kaibigan kong ito ay niligawan ko dahil naging kras ko din siya noong ako'y nasa hayskul pa lamang. Simple lamang ang kagandahan niya at tubo siya ng probinsya. Simple lang din ang kanyang mga gusto.
Ngunit ang aming mga usapan ay nadaan lamang sa patext-text, hindi ko man nililigawan ang aking kras sa kolehiyo ay naging mas matimbang naman siya sa aking puso sapagkat malapit lang siya sa akin, at araw-araw ko din siyang nakikita. Ngunit ang aking nililigawan ay talagang di ko rin maiwan, sapagkat naisip ko na kung ititigil ko ang aking panliligaw ay para na ring nakabawas iyon sa aking pagkalalake.
Dumating ang mga araw na kami'y nagkita, binigyan ko siya ng isang kwintas na may maliit na hugis puso. Kinantiyawan siya noon ng makita iyon ng aking pinsan, at ako'y natuwa, ito na nga siguro yung hinahanap ko na rason kung bakit ko siya nililigawan. Dumaan ang pasko at nasambit ko sa kanya na minamahal ko siya, ngunti tinanggihan niya iyon dahil hindi niya pa raw alam kung ano talaga ang nilalaman ng kanyang puso, nalaman ko na lamang na ako ay may kasabayan palang manligaw sa kanya, at sigurado akong mas matimbang ang nanliligaw na iyon kaysa sa akin sapagkat magkasama lang sila sa probinsya.
Napagisip isip na din ako sa mga kapanahunang iyon na ako'y nanliligaw lamang sapagkat hindi naman sa tamang rason, nililigawan ko siya sapagkat gusto ko lamang maranasan kung ano ang pakiramdam ng mayroong iniirog.
Ang aking pagtext ay hindi na kasing dalas ng dati, madalas na niya akong kulitin at ako'y naiirita, nasabi ko na sa kanya ng isang gabi kung ano ang aking nararamdaman at nauwi iyon sa kasunduan na maging magkaibigan lamang kami.
Ako'y nagbabad sa paglalaro ng mga video games at sa mga barkada ko, napansin ko din muli ang aking kras sa kolehiyo lalo siyang gumaganda at lalo pa akong naaakit, at siya ay single pa rin ata.
- TocinongPalaka

Kalbo Masamang Tao
Kalbo Masamang Tao
First issue nya ung pagwawala nyang parang red incredible hulk, may mga bagay bagay rin kaming hindi mapagkasunduan.
Well lahat naman ng babae mabbiwist kung flirt ang boyfriend nya.
Nung time na yun, busy ako sa thesis ko, graduating ako nun eh. Hindi ako gaanon nakakatext sa kanya kasi todo gawa kami nun. dagdagan pa ng mga subjects like Image processing, Software Eng, at japanese language.
Expected pag hindi ako nakatext ng 10mins, bubulagta sa phone ko, 15 new messages, 5 missed calls. Hanep.
Lahat sya, puro "gawa mo?", "busy ka?", "kinalimutan mo na ba ako?", "miss you", "magtext ka naman!" ung iba dun paulit ulit pa ng send.
Lintek na unlimited text yan. Sinumpa ko un that time. Until one day, nagulat ako. 1 message received at walang missed calls. Akala ko narealize nya na busy nga ako. Nagkita kami that night at nagdinner kami. Tapos nung magkasama kami, may nagtext sa kanya. "hi musta ka na? gudnight." from "Louie" tinanong ko kung sino un, sabi nya friend nyang guy. Wow kelan pa nagtetext ang lalaki ng gudnight sa kapwa lalaki. It was so gay.
Kinutuban na ako eh. Pero carry lang. Tapos umuwi na sya. That time wala pang phone sa condo, so text galore lang kami. Nagulat ako nang tumawag sya. Nagulat ako akala ko kausap nya ako. Akala ko iniimagine nya na kausap nya ako. What a big joke. Sinasabi nya, "nakita kita kanina, ang cute cute mo.", "pano kung mafall ako sayo", and then it hit me, "tingin ko, mahal na kita.", "matulog ka na beauty rest ka na, gudnight sweet dreams, i love you". FUCK.
Hindi ako ung kausap nya. And then after the goodnight thing, naputol ung tawag. Tapos maya maya nagtext sya, "nasagot mo ung tawag?" sabi ko "oo tangina mo narinig ko lahat" tapos tumawag sya. Putek nagsisisigaw sa iyak nageexplain. Sinabi ko nlng "gago ka" sabay off ng phone.
Bumaba ako, punta 711 bili ng isang kahang yosi at lighter. nag yosi ako sa tapat. Nagpapakalma. Binuksan ko phone ko, tapos tinext ko mga friends ko. Kaso gabi na so onti lang nagreply. Im trying to divert my attention hindi ko sinabi sa friends ko ung reason kung bakit ako ngtext, nangungumusta lang ako. tapos mga after ilang minuto, may humintong taxi, at may lumabas na lalaking mapula pa sa apple na nagtatatakbo. haha sya un, umakyat sya sa unit namin.
Ilang puff lang, biglang may kumuha ng yosi ko at binato sa kalsada kasama ang lighter at isang kaha ko. "Sorry" and "I Love You" ang naririnig ko pero wala sarado na utak ko. Yun nga ung "Louie" yung kausap nya. May boyfriend daw ung girl na un at alam daw na may gf sya. Di pa daw nya nakikita personal sa friendster nya lang daw nakita. Friend daw yun ung gf ng kapatid nya. Wala lang daw yun kaya nya daw nagawa yun kasi wala daw akong time sa kanya.
Bullshit.
Inabot kami ng umaga, nilapitan pa nga kami ng guard eh sabi daw wag mageskandalo. Pinagchichismisan pa kami ng mga tropang puyat.
Tinatanong nya ako kung ano gagawin nya para mapatunayang ako ang mahal nya. Sabi ko burahin mo ung two friendster account mo na puro babae or magpakalbo ka. Shocks napaka hirap daw nung pinapagawa ko. Hahaha friendster? Hindi mo madelete? Nakakaawa. Tapos un the next morning nagpakita sya sakin kalbo. Ayun bati na ulit kami.
- YELLOWDORK

Saturday, January 24, 2009
When he came into my life
When he came into my life,
I learned how to trust again..
Before, takot akong magtiwala na uli.. i was so scared to open up my heart to someone after what i had been through in the past..
Nuon, I had this thought in mind na they’re all the same... and so akala ko he will prove me wrong..
ako pala yung wrong..
I never thought…….. But he did……
A part of me wants to think na wala na atang matinong guy... but other part of me wants to think na meron pa..
I just have to keep on believing na darating din sya..
I am moving on.. this is another journey I need to go through..
I was inspired to write about my story and release some negative feelings when I read a blog of someone.
He went through a more difficult stage of breaking up.. I realized hindi ako nag iisa.. na there are some people na mas mabigat ung pinagdadaanan compared sakin..
well, sa ngayon.. i keep on praying.. i keep on talking to God.
He is my strong arms.. the source of my strength.. Hindi ko siguro kakayanin kung wala sya sa life ko..
I’m also thankful sa mga supportive friends ko.. and my family as well..
I realized na isa lang ang nawala.. sya lng ang nawala.
I’m still blessed!
ok naman ako even before he came into my life..
I should still be okay nung nawala sya..
-i-am-a-fighter

Friday, January 23, 2009
Taliwas sa Akala pero hindi Mali
...isang mahabang serye...
Namulat ang mata ko noong tumapak ako ng kolehiyo. Isa pa lang di kilalang mundo ang mundo ng kolehiyo sapagkat ako ay galing sa isang skwela na puro lalake (hindi pala puro, may mga binabae din pala) ang mga estudyante. Pero di ito patungkol dun, ito'y patungkol sa mga naranasan ko noong ako'y nasa kolehiyo na. Nakilala ko ang aking kras noong first year ng aking pagaaral sa kolehiyo. Di ko akalain na kras ko pala siya noong malaman ko na mayroon na pala siyang iniirog na iba. Nasaktan ako ngunit ako'y naging mabuting kaibigan sa kanya, patext-text sa gabi at umaga. Samahan sa paguwi dahil kasabay ko din naman siya. Ngunit dumating ang araw na napanaginipan ko siya isang gabi, at ako'y gulong gulo. Ako ay inlab na pala sa aking kras. Ngunit ito'y hindi maaari sapagkat mayroon pa din siyang ibang iniirog. Tinanong ko ang ilan sa mga kaibigan niyang babae patungkol sa aking problema. Tinulungan nila ako para masabi iyon sa kanya ngunit ito ay nauwi sa wala, sapagkat ako ay isang torpe. Pinagsisihan ko yun ng matagal hangga't sa nalaman ko na nagbreak na nga sila ng kanyang iniirog. Nilakasan ko ang aking loob at sinabi ang mga nilalaman ng puso ko. Ngunit hindi pala pwede, hindi pa daw siya handang sumabak sa dagat ng pag-ibig. Ayun sinambit niya na maging magkaibigan lamang muna kami, ngunit iyon ay dinamdam ko at napalayo na ako sa kanya. Sumubok ako maghanap ng iba at may nakilala akong isang kaibigan ng aking pinsan sa probinsya.
...itutuloy...
-TocinongPalaka

The Melt Down.
The Melt Down.
Nagkakilala kami ng ex ko nung 2006. 17 years old sya noon, ako naman 20 we were both in college that time. Nung una, binibuild-up ko pa sya sa kapatid ko. Kaso ung sister ko, mejo busy sa school at barkada. Madalas kami lumabas, nood ng sine, kain, luneta (yes luneta ang drama) ayun. Basta date kami halos once a week. Tapos kung mag text sya laging "i miss you", "good morning" and "goodnight, sweet dreams". Tapos nag-"i love you" sya. Akala ko ako lang ang ginaganun nya, i then realize, GM ung mga text na un. And one time magkasama kami, na nasira ang puso ko, pinakealaman ko yung phone nya, nakita ko sa inbox nya na may "i love you too" from a girl in his school. Sinabi ko un sa kanya na nasaktan ako. Labo ko nga eh. Wala naman dapat reason para masaktan pero nasaktan ako. Yun ung naging realization point nya na importante sya sakin, at ganun din daw sya. (mukhang naninigurado lang sya) so ayun, inignore na nya ung mga girls around him daw and focused on me. March 2007, we formalized our relationship.
Lumipas ang mga araw masaya naman nung una. syempre laging ganun. Until sinama ko sya sa birthday ng barkada ko. Malayo ung bahay nya sa bahay ng friend ko. So usapan namin dun kami matutulog sa bahay ng celebrant. So ayun, inuman, sabi nya umiinom daw sya. Pero halatang hindi sya sanay kasi kasing red na nya ung red nyang polo. Tapos hindi ako pinayagan ng dad ko na magovernight. Then dun ko nakita ang isa nyang ugaling naging nightmare ng pagsasama namin. Nagwala sya. Parang batang umiiyak na parang nawawala sa mall. Infront of my friends nagwawala sya. Kailangan pa namin lumabas ng bahay para mahimasmasan sya, sasabihan na "Oh tahan na.. bukas naman magkikita pa tayo. Umagang umaga susunduin kita dito. etc".
Yung pagwawala nya sa harap ng madaming tao ay naging usual thing na saamin. Everytime na ginagawa nya un, para akong butter na nilagay sa microwave for 30 mins. Total melt down..

Subscribe to:
Comments (Atom)