Friday, January 23, 2009

Taliwas sa Akala pero hindi Mali

...isang mahabang serye...

Namulat ang mata ko noong tumapak ako ng kolehiyo. Isa pa lang di kilalang mundo ang mundo ng kolehiyo sapagkat ako ay galing sa isang skwela na puro lalake (hindi pala puro, may mga binabae din pala) ang mga estudyante. Pero di ito patungkol dun, ito'y patungkol sa mga naranasan ko noong ako'y nasa kolehiyo na. Nakilala ko ang aking kras noong first year ng aking pagaaral sa kolehiyo. Di ko akalain na kras ko pala siya noong malaman ko na mayroon na pala siyang iniirog na iba. Nasaktan ako ngunit ako'y naging mabuting kaibigan sa kanya, patext-text sa gabi at umaga. Samahan sa paguwi dahil kasabay ko din naman siya. Ngunit dumating ang araw na napanaginipan ko siya isang gabi, at ako'y gulong gulo. Ako ay inlab na pala sa aking kras. Ngunit ito'y hindi maaari sapagkat mayroon pa din siyang ibang iniirog. Tinanong ko ang ilan sa mga kaibigan niyang babae patungkol sa aking problema. Tinulungan nila ako para masabi iyon sa kanya ngunit ito ay nauwi sa wala, sapagkat ako ay isang torpe. Pinagsisihan ko yun ng matagal hangga't sa nalaman ko na nagbreak na nga sila ng kanyang iniirog. Nilakasan ko ang aking loob at sinabi ang mga nilalaman ng puso ko. Ngunit hindi pala pwede, hindi pa daw siya handang sumabak sa dagat ng pag-ibig. Ayun sinambit niya na maging magkaibigan lamang muna kami, ngunit iyon ay dinamdam ko at napalayo na ako sa kanya. Sumubok ako maghanap ng iba at may nakilala akong isang kaibigan ng aking pinsan sa probinsya.

...itutuloy...

-
TocinongPalaka

4 comments:

  1. Aba'y akalain mo yun, senti ka rin pala! Aabangan ko to.

    ReplyDelete
  2. hahaha malakas ang ending nito..sabi nga ng title..taliwas hahaha..

    ReplyDelete
  3. kilala ko ata yan e... ahem.. chinse? :D - myk

    ReplyDelete
  4. haha..hindi e mga 4 chapters away pa ata yun..hahahaha!!

    ReplyDelete