Wednesday, January 28, 2009

Bihira ang babae na pumapasok sa opisina namin noon

Bihira ang babae na pumapasok sa opisina namin noon.

Kadalasan, may topak pa.

O Kung hindi, laging paunahan sa panliligaw.

At oo, guilty ako sa nanguna sa panliligaw. Nakilala ko siya matagal na panahon na, umiiyak siya nun napansin ko sa opisina. Sabi niya sinisipon lang daw siya. Ako naman, ayoko nakikitang umiiyak ang isang babae. Edi pinatawa ko. Baduy man, kinwentohan ko siya ng mga pickup lines. Pero di ko alam, iyon na pala ang magiging simula ng lahat.

Madalas na kami naguusap sa opisina pagkatapos non. Kadalasa'y hinahatid ko pa pababa. May nagpaparty non sa bahay ng isang kaopisina, sumama siya, kami lang ang nagusap buong gabi. Hindi ko alam, unti unti na kong nahuhulog sa kanya kahit todo ang pagaalangan ko.

Nang pauwi na siya, hinatid ko. At dun nagsimula rin ang pagtetext namin sa isa't isa. Hanggang sa niyaya ko siya kumain sa labas. At dun na kami nagkaaminan. Siya ang naging una kong kasintahan. Unang halik, unang...alam mo na.

Naging masaya ang pagsasama namin. Puno ng dates, sabay kami lagi maglunch sa table niya or table ko, mga lambingan na napagsasabihan na kami ng boss, at alam mo na tuwing weekends. Ayun, ni hindi kami nagaaway nun. Until one night na nagaway kami ng mabigatan.

Nagkahiwalayan.

Umasa ako na babalikan pa ko dahil marami siyang mga pahiwatig sakin. Pero yun pala'y iba pala ang pakay niya. Graduating siya nun, nagpapatulong sa thesis. Nung tapos na ang lahat, saka niya lang inamin ang rason kung ba't ayaw niya kong balikan.

Nalaman ko nalang na mahal pa pala niya ang iniyakan niya noong unang araw na kaming nagkita. Ang kanyang nakaraan. Naging komplikado ang lahat hanggang sa nauwi sa isang masaklap na huling hiwalayan at solian ng kandila. Yun pala, may topak din siya. Di lang paunahan sa panliligaw.

Masakit mang tanggapin na ginamit lang ako at panakip butas man. Pero masasabi ko, mas matibay na ko ngayon. Ok lang yan. May daraan pang iba.

Yun nga lang, sa ngayon, mahal ko parin siya. Dumaan na nga si iba, natakot ako na baka saktan ko lang. Ngayon, masaya na si iba sa iba. Masaya rin ako para sa kanya. Naging matalik kaming magkaibigan. Pero mas masaya akong maging matalik na kaibigan niya kesa sa maging kasintahan. At ganun din naman siya.

Tatlong araw kong niligawan, tatlong taon ko ba itong pagdudusahan? Baka swerte ako sa number 3.

-David Blaine

No comments:

Post a Comment